^

Police Metro

‘Pinas, ‘di mangungutang sa ibang bansa - Malacañang

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang dahilan para mangutang at magpasaklolo sa mga international lending institutions bilang dagdag pondo sa ginagawang responde sa epekto ng giyera sa Middle East.

Ito ang sinabi ni Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro at mismong si Department of Finance (DOF) Secretary Frederick Go ang nagsabi, na walang balak ang gobyernong mangutang para patuloy na matustusan ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong sektor.

Giit ni Castro, ito ay dahil sa ngayon ay sapat pa ang pondo ng pamahalaan, kaya hindi naiisip na magpatulong o mangutang sa ibang bansa.

Sinabi pa ni Castro na hinihintay pa ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang committee report ng Senado at Kamara kaugnay ng panukalang batas na magbibigay ng “emergency powers” na mag-suspende ng excise tax sa langis.

Ayon kay Castro, wala pang impormasyon kung may nagsumite na ba sa pangulo ng kopya ng committee report ng Kamara matapos lumusot sa ikalawang pagbasa ang kanilang bersyon ng panukalang batas.

Hindi naman aniya magdadalawang-isip ang pangulo na magpadala ng certificate of urgency sa Kongreso, sa oras na makita ang mga bersyon ng panukala, para mapadali ang pagpasa at mapakinabangan ng mga sektor na apektado ng mahal na presyo ng petrolyo.

UTANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with