^

Police Metro

Babae,’di nagbigay ng limos bugbog-sarado sa palaboy

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa ospital bumagsak ang isang babae nang bugbugin ng isang lalaking palaboy na humihingi sa kanya ng pera na kanyang tanggihan naganap malapit sa MRT Boni Station, Mandaluyong City, nitong Miyerkules.

Sa ulat, ng Mandaluyong City Police-Sub Station 6, na ang biktima ay kabababa lamang mula sa MRT Station nang salubungin ng palaboy na lalaki at hingan ng pera.

Hindi umano niya ito binigyan ang palaboy kaya sinundan ang biktima sinuntok sa ulo na ikinabulagta nito at nasundan pa umano ng pagtadyak at pag-untog sa ulo.

Isang criminology student naman ang umawat at nakipagpambuno sa palaboy kaya tumakbo ang huli subalit kinuyog siya ng taumbayan, hanggang sa dumating na ang respondeng mga tauhan ng Mandaluyong Police at Philippine Coast Guard na naka-istasyon malapit doon.

Dinala sa pagamutan ang biktima at inaresto ang suspek na nakapiit na sa Mandaluyong Police Station headquarters na kinasuhan ng frustrated murder.

BUGBOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with