^

Police Metro

Kaso sa Ombudsman, harassment at pamumulitika - solon

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ni Occidental Mindoro Congressman Leody “Odie” Tarriela bilang harassment at pamumulitika ang isinampang kaso laban sa kaniya sa Ombudsman ng isang Radamalyn Cardoza.

Ayon sa mambabatas, harassment at pamumulitika lang umano ito ng kaniyang mga kalaban sa pulitika. “Ayon sa lumabas na press release, nagsampa sa akin ng kaso si Mr. Cardoza matapos na siya ay gumawa ng “formal requests [for] ­copies of public documents from the DPWH-Mindoro District Office”, kaya lang ang kanyang request ay hindi naaksyunan. Paano naman na naging kasalanan ko na hindi sya na­bigyan ng kung ano mang hinihingi nya sa DPWH? At kung wala nga siyang nakuhang kung anuman, ano ngayon ang basehan ng kanyang kaso?”, pahayag ni Tarriela.

Si Radamalyn Cardoza ay nagpapakilalang isang broadcaster sa Occidental Mindoro, at matagal nang umanong kilala bilang kritiko ng kongresista.

Noong nakaraang 2025 elections, nagsampa rin siya ng disqualification case laban kay Tarriela na ibinasura naman ng COMELEC.

Ayon sa nakasaad sa reklamo ni Cardoza,wala umano siyang masamang hangarin sa pagsasampa ng kaso, hindi niya rin umano intensyon na mang-harass sa pagsasampa niya ng kaso. -

HARASSMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with