‘Galis-aso’ outbreak sa NBP, itinanggi ng BuCor
MANILA, Philippines — Mariing itinanggi kahapon ng Bureau of Corrections (BuCor) na may scabies outbreak o galis-aso sa New Bilibid Prison o sa iba pang kulungan at penal farm sa bansa.
Ito ang reaksyon ng BuCor, kasunod nang pahayag ng political prisoner group na Kapatid, na nagsabing mabilis umanong kumakalat ang skin infections sa Reception and Diagnostic Center ng New Bilibid dahil sa overcrowding at kakulangan sa malinis na tubig.
Hinimok nila ang BuCor na payagan ang agarang delivery ng gamot at ang pagsasagawa ng treatment at sanitation campaign para sa persons deprived of liberty.
Ayon kay BuCor Acting Director for Health and Welfare Services Ma. Cecilia Villanueva, huling naitala ang scabies outbreak dalawang taon na ang nakalipas, kung saan nagsagawa ang International Committee of the Red Cross, katuwang ang ahensiya, ng “anti-galis” activity.
Anila, mayroong umiiral na protocol para sa medicine delivery upang matiyak ang pananagutan at kaligtasan habang iniiwasan ang pagpasok ng kontrabando.
Inihayag din ng grupong Kapatid na lumiham na sila sa Department of Justice (DOJ) na humihiling ng agarang aksyon sa Human concerns.
- Latest


















