^

Police Metro

Lady trader, rescue officer pinatay at sinunog

Doris Franche-Borja, Christian Ryan Sta. Ana, Joy Cantos - Pang-masa
Lady trader, rescue officer pinatay at sinunog
Lumalabas sa imbestigasyon, alas-10:40 ng umaga nitong Lunes nang matagpuan ang bangkay ng isang 33-anyos na negos­yanteng babae at 44-anyos na rescue officer na lalaki kapwa may tama ng bala ng baril sa batok sa loob ng Toyota Wigo na may plakang DAR 7847 sa harap ng Leong Hup Farm sa Barangay Sinasajan ng nasabing bayan.
COURTESY: Junjun Sy, stringer

Sa loob ng kanilang sasakyan…

MANILA, Philippines — Natagpuan ng mga otoridad ang sunog na bangkay ng isang babae at isang lalaki sa loob ng nasunog na sasakyan sa Peñaranda, Nueva Ecija nitong Lunes ng umaga.

Lumalabas sa imbestigasyon, alas-10:40 ng umaga nitong Lunes nang matagpuan ang bangkay ng isang 33-anyos na negos­yanteng babae at 44-anyos na rescue officer na lalaki kapwa may tama ng bala ng baril sa batok sa loob ng Toyota Wigo na may plakang DAR 7847 sa harap ng Leong Hup Farm sa Barangay Sinasajan ng nasabing bayan.

Ang lalaking biktima ay kinilalang si Michael Odchigue, isang officer ng Palayan City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) residente ng Palayan City, Nueva Ecija, habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng babaeng kasama nito na isang negosyante.

Sa inisyal na imbestigasyon, may indikasyon umano na maaaring pinatay muna ang dalawang biktima bago sila isinakay sa sasakyan saka sinunog umano upang pahirapan ang mag-iimbestiga.

Ayon kay PCapt. Vincent Taylor, officer-in-charge ng Peñaranda Municipal Police Station, na pera ang isa sa tinitignan nilang posibleng motibo sa pamamaslang sa mga biktima.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya mula sa kaanak ng negosyanteng babae, magbebenta ng apartment building ang mga biktima na nagkakahalaga ng nasa P18 milyon.

Naihatid pa niya ang 9-taong gulang na anak sa paaralan saka nakipagkita sa kanyang katransaksiyon na bibili umano sa apartment building.

Sumakay pa umano ang dalawang “buyer” sa sasakyan ng mga biktima.

Sinabi pa ng kaanak na pinakiusapan lang ng negosyante ang biktimang rescue officer para siya ay ipagmaneho at samahan sa transaksiyon.

“Sigurado ‘yan may involved na money ‘yan kasi wala naman kaming alam na kagalit namin dito,” sabi ng kaanak ng negosyante.

Bukod sa sinunog, binaril din ang dalawa sa bandang batok at tsaka inabandona sa liblib na lugar.

Patuloy ang ginagawang backtracking at pagkalap ng mga CCTV footages ng mga otoridad.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with