^

Police Metro

P15 minimum fare sa jeep hirit ng transport group

Angie dela Cruz - Pang-masa
P15 minimum fare sa jeep hirit ng transport group
Jeepney drivers wait for passengers along EDSA and Taft Avenue in Pasay City
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Hinirit ng transport group na Liga ng Transportasyon at  Operator sa Pilipinas (LTOP) sa Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) na gawing P15 ang minimum fare sa jeep mula sa kasalukuyang P13 kaugnay ng malakihang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.

Ayon kay Ka Lando Marquez, national President ng LTOP na hindi na makapag-uwi ng maayos na kita ang mga driver ng jeep ngayon sa bawat araw na pamamasada  dahil sa mataas ng presyo ng diesel.

Anya taong 2023 pa nakasalang sa LTFRB ang petisyon nilang taas pasahe pero hindi gu­magalaw ang request hanggang ngayong pumasok ang taong 2026  sa kabila nang   lingguhang taas presyo ng petrolyo.

Dapat anya, hindi pa magpatupad ng oil price hike ang mga kompanya ng langis dahil hindi pa nauubos ang 60 days stock ng petrolyo bago sumiklab ang gulo sa Middle East.

Sinabi naman ni Ka Mody Floranda, President ng Piston na igigiit nila sa LTFRB ang P5 taas pasahe sa jeep dahil sa naging epekto sa kanila ng patuloy na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Nanawagan din si Floranda sa pamahalaan na tanggalin ang P6 per liter na excise tax sa langis at P9 per liter na Vat sa oil imports upang mabawasan ang presyo ng petrolyo.

Hindi anya sagot ang fuel subsidy na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa transport sector dahil kulang ito at minsan ay wala namang laman ang cash card na binibigay ng gobyerno sa kanilang hanay at dapat din ibasura ang Oil Deregulation Law dahil wala itong tulong sa transport sector bagkus ay nagdudulot pa ng epekto sa kanilang hanapbuhay.

 

MINIMUM FARE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with