2 trader tiklo sa P20.7 milyong marijuana

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang dalawang negosyante sa isang buy-bust operation at nasamsam sa kanila ang nasa P20.7 milyon halaga ng marijuana sa Picong, Lanao del Sur.
Sa report ni P/Brig. Gen. Jaysen de Guzman, Director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BA) ang buy-bust operation ay isinagawa kamakalawa ng umaga sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Maladig, Picong.
Ang mga nasakoteng suspect na kapwa itinuturing na high value targets na sina alyas “Ben”, taga General Trias, Cavite at isang alyas “Markie”, residente ng Talitay, Maguindanao.
Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad hinggil sa talamak na pagtutulak ng droga ng dalawang negosyante kaya’t ikinasa ang buy-bust operation.
Kasalukuyang humihimas ng rehas na bakal ang mga suspect na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest

















