Topacio ipa-disbar sa ‘rape fantasy remark’ - solon
MANILA, Philippines — Dapat umanong ipa-disbar na si Atty. Ferdinand Topacio kaugnay ng pahayag nito na ayos lang na magpantasya na nangra-rape ng babae dahil hindi naman aniya ito illegal.
“Bakit hindi pa to nadi-disbar? Hindi nakakatuwa at lalong hindi katanggap-tanggap na ang isang abogado pa ang magsasabi na ayos lang ang pangaraping mang-rape ng mga babae,” saad ni Akbayan Rep. Dadah Kiram Ismula laban kay Topacio na tumatayong spokesperson ng PDP Laban ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Ismula na kinokondena niya ang pahayag ni Topacio lalo na at isa siyang kilalang abogado kung saan ay isang mapanganib na gawing normal ang karahasang sexual na ipinupunto ng naturang legal counsel.
“It is not funny and especially not acceptable that a lawyer would be the one to say it is fine to dream of violating a women,” ani Ismula.
Binira rin ni Ismula ang mga anti-women rhetoric ni Topacio kabilang na ang sexiest motto nito sa kaniyang X account na nagsabing “women being the foundation of society that men must lay.”
Aniya, sinumang ikinokonsidera na pantasya ang panggagahasa ay hindi dapat maging bahagi ng hukuman at dapat ma-disbar sa kabastusan.
- Latest
















