^

Police Metro

General na naghudas kay Khamenei, nagbaril sa ulo

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo ang heneral na diumano’y nagkanulo kay Iran Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei ayon sa video sa social media.

Sa video may hawak na baril ang sinasabing General habang nagsasalita ng Arabic na kung gagamitan ng google translate ay nangangahulugan ng: “I testify that there is no God but Allah.”

Pagkatapos banggitin ang salita ay saka itinutok sa sintido ang baril at pinaputok.

Makikita sa video na sumirit pa ang dugo sa ulo matapos magbaril ang nasabing heneral.

Nauna rito, kinumpirma ng Iranian state media na napatay sa kanyang opisina si Khamenei sa ginawang pag-atake ng US-Israel sa Iran.

Bago ang kumpirmasyon ng Iranian state media, inanunsiyo ni US President Donald Trump ang pagkamatay ng 86-taong gulang na lider ng Iran matapos ang pag-atake.

Si Khamenei ang supreme leader ng Iran simula pa noong 1986 matapos palitan si Ayatollah Ruhollah Khomeini.

AYATOLLAH ALI KHAMENEI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with