Miyembro ng CAFGU dedo sa ambush
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang kasapi ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos pagbabarilin habang nagmomotor sa kahabaan ng barangay road sa Brgy. Cabasi, Ligao City, Albay kamakalawa ng gabi.
Ang biktima na nasawi dahil sa walong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Adrian, 30, residente ng bayan ng Pio Duran.
Sa ulat, alas-8:00 ng gabi sakay ng motorsiklo at binabagtas ng biktima ang kahabaan ng kalsada nang biglang pagbabarilin ng hindi nakilalang armadong suspek.
Duguang bumulagta ang biktima sa tabi ng kanyang motorsiklo.
Narekober ng mga rumespondeng pulis sa lugar ng pananambang ang ilang basyo ng hindi pa malamang kalibre ng baril.
- Latest



















