Chopper crash: 2 patay, 3 sugatan

MANILA, Philippines — Dalawa ang kumpirmadong nasawi kabilang isang dayuhan habang tatlo ang sugatan matapos bumagsak ang isang helicopter na Bell 505 sa Barangay Quisao, Pililla, Rizal nitong Martes ng alas-7:20 ng umaga
Ayon kay Pililla Mayor John Masinsin, limang pasahero ang lulan ng helicopter kabilang ang dalawang dayuhan.
Dead-on-the-spot ang isang pasahero habang idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isa pang biktima.
Nabatid na galing sa Manila ang helicopter at patungo sa lalawigan ng Quezon nang mangyari ang insidente.
Wala namang bahay na nadamay sa pagbagsak ng chopper.
- Latest




















