^

Police Metro

Minero nilamon ng lupa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang minero ang nilamon ng lupa matapos na aksidenteng gumuho ang coal mining pit ng Semirara Mining ang Power Corp. (SMPC) sa bayan ng Caluya, Antique, kamakalawa.

Sa ulat ng Caluya Municipal Police Station (MPS), kinilala ang nasawing biktima na si Ronilo Purgatorio, 48-anyos.

Base sa imbestigasyon, kasalukuyang inio-operate ni Purgatorio ang isang bulldozer  nang mangyari ang landslide kung saan natabunan ito ng gumuhong lupa sa SMPC.

Ang katawan ng biktima ay nahukay matapos ang ilang oras matapos namang magresponde ang search and rescue team ng lokal na pamahalaan.

Sa pagtaya ng mga otoridad ang landslide ay sanhi ng mga pag-ulan sa lugar na nagpalambot ng lupa sa minahan.

 

MINER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with