^

Police Metro

Higit 16K face mask, ipinamahagi sa Negros

Pang-masa
Higit 16K face mask, ipinamahagi sa Negros
People wearing face masks as protection .
Walter Bollozos

Sa pagbuga ng abo ng Kanlaon...

MANILA, Philippines — Agad na namahagi ng higit 16,000 N95 masks ang Department of Health DOH)- Negros Island Region upang masiguro ang kaligtasan ng mga komunidad na posibleng maapektuhan ng ashfall.

Patuloy rin ang 24/7 monitoring at koordinasyon ng DOH kasama ang mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Ayon sa ulat, nasa 100 barangay sa 18 bayan at lungsod sa Negros Occidental ang apektado ng ash emissions na ibinubuga ng Bulkang Kanlaon.

Samantala, sa lalawigan ng Quezon, sanib-puwersa naman ang DOH, Philhealth at at pamahalaan ng Quezon Province sa paglulunsad noong Biyernes ng PhilHealth GAMOT o Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment Program, sa pangunguna nila Ted Herbosa, Edwin Mercado, at Helen Tan.

Sa ilalim ng GAMOT Program, maaaring makakuha ng libreng gamot na aabot hanggang P 20,000 kada taon mula sa karagdagang 54 na uri ng gamot ang bawat PhilHealth member na naka-enroll sa YAKAP clinic.

Layunin nito na masigurong tuluy-tuloy ang gamutan at hindi maputol ang pag-inom ng inireresetang gamot sa mga pasyente.

ASHFALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with