Obrero dedo sa bumagsak na scaffolding
MANILA, Philippines — Isang construction worker ang nabagsakan ng scaffolding sa loob ng construction site sa San Mateo, Rizal, nitong Lunes.
Isinugod pa sa Casimiro Ynares Sr. Memorial Medical Hospital ang biktimang si “Kristian”, assistant construction worker ng kanyang amang si Rolando, subalit binawian ng buhay makalipas ang ilang oras dahil sa matinding pinsala sa katawan at ulo.
Sa ulat ng San Mateo Municipal Police Station, alas-8:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa Daang Bakal St., Brgy. Maly, San Mateo, Rizal.
Ayon sa ama na kasama niya bilang katulong sa construction site ang anak nang biglang mabagsakan ng scaffolding.
Iniimbestigahan ng pulisya kung mayroong dapat managot sa Article 365 ng Revised Penal Code (Reckless Imprudence Resulting in Homicide) at iba pang batas na posibleng nalabag.
- Latest



















