Empleyado, tatanggap lang ng basic pay sa Pebrero 25
MANILA, Philippines — Tatanggap lamang ng kanilang basic pay sa Pebrero 25 ang mga empleyado sa paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ito ang nilinaw ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) dahil ang naturang araw ay idineklara lamang na isang special working day, alinsunod sa Proclamation No. 1006, Series of 2025.
Wala rin umano silang matatanggap na karagdagang premium, maliban na lamang kung ito ay itinatakda sa kanilang employment contract, polisiya ng kanilang kumpanya o collective bargaining agreement (CBA).
- Latest


















