^

Police Metro

Missing vlogger natagpuang patay

Joy Cantos, Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang nawawalang vlogger ang natagpuang patay na inilibing sa isang mababaw na hukay sa isang liblib na bahagi sa Brgy. Lalo, Tayabas City, Quezon.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) IV A, kinilala ang biktima na si Mark Anthony Atienza, 39-anyos, kilala sa kaniyang blog bilang Macoy ay nagpaalam sa kanyang asawa na mamimingwit lamang sa ilog noong Pebrero 20, 2026, subalit hindi na ito nakauwi.

Natagpuan ang bangkay ng biktima noong Sabado, Pebrero 21, alas-2:00 ng hapon sa isang hukay na malapit sa ilog sa Sitio Don Elpidio, Brgy. Lalo.

Dito nila natagpuan ang katawan ni Macoy, na may nakatali ang mga kamay, nakabalot ang ulo ng itim na t-shirt, at may busal ang bibig.

Nakitaan rin ng mga palatandaan na pinahirapan muna ang biktima bago pinaslang base sa mga pasa at sugat na tinamo nito sa katawan.

QUEZON

TAYABAS CITY

VLOGGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with