^

Police Metro

Tigdas outbreak nakaamba sa Mindanao

Ludy Bermudo - Pang-masa

Nasa 520,645 bata ‘di bakunado

MANILA, Philippines — Pinangangambahang magkaroon ng outbreak ng tigdas at tigdas hangin sa Mindanaodahil nananatiling hindi bakunado ang nasa 520,645 na mga batang wala pang 5 taong gulang, ayon sa Department of Health (DOH).

Matatandaang ini­lunsad ng DOH, kasama ng mga lokal na pamahalaan, ang Ligtas Tigdas vaccination nitong Pebrero na layong mabigyan ng proteksyon sa tigdas at tigdas-hangin ang nasa 2.8 milyon na mga bata sa Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pamamagitan ng pagbabakuna.

Sa huling tala ng DOH nitong Biyernes, Pebrero 20, nasa 2.3 mil­yon o 82% pa lamang ng target ang nabakunahan sa mga temporary at fixed sites na itinalaga ng mga local government unit (LGU).

Ayon sa mga eksperto, kailangang maabot ang 95% na target sa buong Min­danao kasama na ang BARMM para makamit ang “herd immunity” o mawala ang panganib ng outbreak ng tigdas at tigdas-hangin.

Sa kabila nito, pinakamarami naman ang nabakunahang bata sa BARMM na umabot sa 517,981 bata o 90% ng kanilang target.

Paalala ng DOH na magpapatuloy ang routine immunization sa mga health centers.

Nanawagan din ang Imam Council of the Philippines sa mga ­ka­­p­wa Muslim na pabakunahan ang mga anak kontra tigdas at tigdas-hangin, dahil ito ay paraan ng pagpreserba ng kalusugan at buhay.

ILLNESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with