Puganteng Koreano, naaresto

MANILA, Philippines — Isang 61-anyos na puganteng Koreano na wanted sa ilalim ng Interpol Red Notice ang nasakote sa isinagawang operasyon sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Kinilala ang nasakoteng suspect na si Hae Jung Chun, naisyuhan ng Interpol Red Notice simula pa noong Setyembre 30, 2025.
Si Chun ay may warrant of arrest na inisyu ng Changwon District Court sa Seoul Central District Court, Republic of Korea kaugnay ng paglabag sa Forein Exchange Transactions Act at Electronic Financial Transactions Act.
Ayon kay Badua si Chuna ay nasakote bandang alas-9:27 ng umaga nitong Sabado sa Brgy. Sabang, Puerto Galera.
Pansamantalang, isinailalim sa kustodya ng Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration ang nasakoteng Koreano habang iprinoproseso pa ang deportasyon nito.
- Latest















