^

Police Metro

BOC intel funds, tila walang silbi sa smuggling - solon

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinuwestyon ni Manila 3rd District Representative Joel Chua ang Bureau of Customs sa talamak na smuggling ng sigarilyo sa bansa.

Sa pagdinig ng House Committee on Ways and Means Committee nagtataka si Chua kung bakit sa kabila ng pagkakaroon ng intel funds ay hindi pa rin masawata ng BOC ang smuggling.

Sa pagdinig tinanong ni Chua si BOC Deputy Commissioner for Intelligence Romeo Allan Rosales kung ginagamit ba ng tama ng ahensya ang kanilang intel funds dahil patuloy silang nalulusutan ng mga smuggler.

Tugon naman ni Rosales, kailangan pa niyang i-double check ang datos at impormasyon dahil ngayong taon pa lamang ang unang pagkakataon na pangangasiwaan niya ang intel funds ng BOC.

Ani Chua sa nakalipas na ilang linggo, sunud-sunod ang matagumpay na operasyon ng Highway Patrol Group kontra smuggling.

Sa mga susunod na pagdinig target ng komite na tutukan ang posibleng pagkakasangkot ng ilang BOC officials sa cigarette smuggling activities sa mga pantalan sa bansa.

Kasunod ito ng mga reklamong kinakaharap ni dating BOC-Customs Intelligence and Investigation Service Director Thomas Narcise at dating BOC CIIS Field Station Chief-Port of Manila Paul Oliver Pacunayen na kapwa idinadawit sa operasyon ng large-scale smuggling.

JOEL CHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with