Bebot ipinaaresto ang ex-dyowa sa ‘sextortion’
MANILA, Philippines — Isang lalaki ang inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Makati City dahil sa pananakot sa kanyang dating nobya na ipapakalat niya ang kanilang sex video kung hindi ito makikipagkita at makipag-sex sa kanya.
Ayon kay NBI Acting Director Angelito DLP. Magno na ang suspek ay naaresto noong Pebrero 5 sa isang entrapment operation na isinagawa ng NBI-Fraud and Financial Crimes Division (NBI-FFCD).
Nang maaresto ang suspek ay positibo itong kinilala ng nagrereklamong babae na tinatakot siya na ipapakalat ang kanilang sex video.
Matapos na maaresto ang suspek na itinago ang pagkakakilanlan ay agad na kinasuhan sa Makati City Prosecutor’s Office ng grave coercion sa ilalim ng Article 286 of the Revised Penal Code (RPC); violation of Republic Act (RA) No. 9262, Anti-Violence Against Women and Children Act; and violation of RA No. 9995, Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, in relation to RA No. 10175, the Cybercrime Prevention Act of 2012.
Sa salaysay ng biktima sa NBI na ipinasa na ng kanyang dating nobyo ang kanilang sex video sa kanyang kaibigan at tinakot na ipapasa sa iba pa kung tatanggi na makipagtagpo at sila ay mag-sex.
Kaya naman humingi ng saklolo ang biktima sa NBI na kung saan ay isinagawa ang entrapment operation.
- Latest















