Ex-Speaker Jose de Venecia pumanaw na

MANILA, Philippines — Pumanaw na sa gulang na 89-anyos nitong Martes si dating Speaker Jose de Venecia Jr., nagsilbing Speaker ng Kamara sa loob ng limang beses o kabuuang 13 taon na hindi magkakasunod na pinakamahaba sa kasaysayan ng Kongreso sa Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ni dating 4th District Pangasinan Rep. Christopher de Venecia, anak ng yumaong Speaker at misis nitong si Gina de Venecia, kasalukuyang kinatawan ng Pangasinan.
Sa loob ng mahigit anim na dekada, inialay ni dating Speaker ang kaniyang buhay sa serbisyo publiko bilang dating mamamahayag, diplomat, entrepreneur, legislator, Speaker ng Kamara at bilang adbokasya ng kapayapaan sa buong mundo.
Si De Venecia ang isa sa mga kinikilalang stalwarts at Chairman emeritus ng Lakas-CMD, isa sa pinakamakapangyarihang partido pulitikal sa bansa.
- Latest


















