^

Police Metro

2 trike driver nagduwelo sa utang

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agaw-eksena sa mga motorista at nakunan ng video ang pagduwelo ng dalawang tricycle driver na kung saan isa ang nasaksak naganap nitong Huwebes ng madaling araw sa Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.

Sa ulat ng Antipolo Component City Police Station alas-12:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Provincial Road na kung saan ay naniningil ang 41-anyos na tricycle driver sa biktima na isang 51-anyos ng P5,000 bilang boundary hulog para sa ipinapasadang tricycle na hindi tinupad ng huli.

Dito ay armado ng tubo at patalim ang suspek at sinaksak ang biktima na halos ikaputol ng isang daliri sa kamay.

Nahaharap sa kasong attempted homicide ang suspek na nakakulong sa custodial facility ng Antipolo CCPS habang maayos na ang lagay ng biktima matapos lapatan ng lunas sa ospital.

UTANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with