NCR, bagong ‘ground zero’ ng CPP–NPA–NDF propaganda
MANILA, Philippines — Nagsisilbi na umanong “ground zero” ng disinformation ng CPP–NPA–NDF ang Metro Manila sa kabila ng patuloy ng paghina ng communist insurgency.
Ito ang ikinababahala ni NTF-ELCAC Executive Director Ernesto Torres Jr. na sa pagliit ng impluwensiya, recruitment at suporta ng masa sa mga rehiyon, sinusubukan ng communist group na bumuo ng urban information space. Itinuro rin ni Torres ang pagdami ng magkakaugnay na online activity na pinangungunahan ng NCR-based front organizations bilang tanda ng estratehikong pagbabago ng kilusang komunista.
Ginagamit ang digital platforms at social media upang maghasik ng kawalan ng tiwala, baluktutin ang katotohanan, at udyukan ang publiko laban sa pamahalaan. Binalaan niya na ang terrorist-grooming, disinformation, misinformation, hate speech, at planadong kasinungalingan ay direktang banta sa mga pinaghirapang tagumpay sa kapayapaan sa yugto ng post-conflict.
- Latest
















