Sanggol ibinenta ng ina sa P27K

Para may puhunan sa negosyong kwek-kwek…
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang isang ina sa Bulacan dahil sa pagbebenta ng kanyang sanggol sa halagang P27,000 nitong Lunes para may maipuhunan sa balak nitong negosyo na kwek-kwek.
Batay sa ulat, ipangpupuhunan ng nanay sa kwek-kwek at fishball cart business ang pagbebentahan ng kanyang anak.
Dinakip ang ina sa isang mall sa San Jose del Monte, Bulacan sa ikinasang entrapment operation ng PNP-WCPC) nang tanggapin ang P27,500 buy-bust money, kapalit sana ng kanilang sanggol na anak.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 at sa Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act,” laban sa mga magulang ng sanggol.
“The life of a child is invaluable and must never be used as a commodity, and certainly not be exchanged for any amount, regardless of the circumstances,” paliwanag ni NACC Undersecretary Janella Ejercito Estrada.
- Latest















