Barzaga balik-Kamara

MANILA, Philippines — Matapos ang 60 araw na pagkasuspinde dahil sa “disorderly behavior” ay balik Kamara na si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga, self proclaimed Congmeow.
“After two months of suspension, I will finally return to push for important legislation that will benefit the Filipino people? Congress-meow is back, and I will once again bring hope to the people,” ayon kay Barzaga sa ‘return speech’ nito na ipinoste nito sa kaniyang facebook page.
Agad namang naglatag si Barzaga kasabay nang pagtiyak sa pagsusulong ng panukalang batas na sinabi nito na direktang pakikinabangan ng mamamayang Pilipino partikular na ang mahihirap.
Kabilang dito ang pagtatanggal sa 20% Value Added Tax (VAT), divorce bill para wakasan na ang mapang-abusong relasyon, travel disclosure bill para pagpaliwanagin ang mga opisyal sa kanilang mga pagbiyahe at pagtataas ng suweldo ng mga empleyado ng gobyerno.
Kaugnay nito, sinimulan na rin kahapon ng House Committee on Ethics ang pagdinig sa panibagong reklamo na inihain laban kay Barzaga kaugnay ng umano’y pagtanggap ng suhol ng mga miyembro ng NUP mula sa ultra bilyonaryong si Enrique Razon.
- Latest















