^

Police Metro

Parak inutas, ibinaon sa septic tank!

Omar Padilla - Pang-masa
Parak inutas, ibinaon sa septic tank!
Base sa inisyal na imbestigasyon, Enero 24, 2026 ay nagtungo ang biktima na kinilalang si PSSgt. Renato Casauay Jr., nakatalaga sa PDEG SOU 3, residente ng Aldama St., Baliwag City, kasama si PCpl. Vivencio Abalos, miyembro ng Malolos City Police sa bahay ni Oliver Paul Mauricio alyas “Sampol”, anak ng beteranong journalist na si Orlan Mauricio upang kuhanin ang regalong alak dahil sa birthday mismo ng una ng araw na ‘yun.
The STAR/Edd Gumban/File

Pulis, anak ng reporter dinawit

MALOLOS CITY, Bulacan - Isa na namang pulis na ilang araw nang iniulat na nawawala at nakatakda sanang magdiwang ng kanyang kaarawan ang natagpuang bangkay na sa isang ginagawang septic tank sa loob ng bakuran ng anak ng isang beteranong reporter kahapon ng madaling araw sa Green St., Felicisima Village, Brgy. Mojon ng nasabing siyudad.

Base sa inisyal na imbestigasyon, Enero 24, 2026 ay nagtungo ang biktima na kinilalang si PSSgt. Renato Casauay Jr., nakatalaga sa PDEG SOU 3, residente ng Aldama St., Baliwag City, kasama si PCpl. Vivencio Abalos, miyembro ng Malolos City Police sa bahay ni Oliver Paul Mauricio alyas “Sampol”, anak ng beteranong journalist na si Orlan Mauricio upang kuhanin ang regalong alak dahil sa birthday mismo ng una ng araw na ‘yun. Nasa loob din ng nasabing bahay ang isang nakilalang Julian Salamat, ng Barangay Sto. Nino, Malolos City na umano’y isang “asset”.

Lumalabas na nagkaroon sila ng bangayan nang hindi umano nagustuhan ni Salamat ang biro ng biktima na humantong sa pamamaril na ikinasawi ng nasabing pulis.

Imbes na dalhin sa ospital at itawag sa pre­sinto ang krimen, itinapon umano sa ginagawang poso negro ang bangkay ni SSgt. Casauay hanggang sa nitong Enero 30 ay nag-confess na si PCpl. Abalos hinggil sa krimen.

Sa bisa ng search warrant, tinungo ng Malolos Police ang bahay ni Mauricio at dito natagpuan ang naaagnas nang bangkay ni SSgt Casauay bandang ala-1:30 ng madaling-araw nitong Enero 31.

Itinuturing na pangunahing suspect sa krimen si Salamat na tinutugis na ng pulisya, habang sina PCpl. Abalos at Oliver Mauricio ay arestado na.

Ang veteran journalist na si Orlan Mauricio na sinasabing siyang may-ari ng nasabing property na pinangyarihan ng pagpatay ay itinuturing din bilang “accomplice” sa krimen, ayon sa report ng Malolos Police.

Kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga operatiba ang nakatatandang Mauricio upang bigyan linaw kung may kinalaman siya sa krimen.

ORLAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with