^

Police Metro

Taas-sahod ‘top concern’ ng mga Pinoy – survey

Angie dela Cruz - Pang-masa
Taas-sahod ‘top concern’ ng mga Pinoy – survey
Sa face-to-face interviews ng 1,200 adult Pinoy, top concern ng 45% dito ay sahod na nais nilang maaksyonang urgent ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
mya. AFP / File

Sa nakalipas na 3-buwan

MANILA, Philippines — Nangunguna ang taas-sahod sa mga manggagawa ang prayoridad ng mga Pinoy sa nakalipas na huling tatlong buwan o last quarter ng 2025, batay sa latest Tugon ng Masa survey na ginawa ng OCTA Research ng nakalipas na Disyembre 3-11.

Sa face-to-face interviews ng 1,200 adult Pinoy, top concern ng 45% dito ay sahod na nais nilang maaksyonang urgent ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa rehiyon, ang Balance Luzon at Visayas na may 47% ng respon­dents ang nangunguna na nagsabing top concern ang usapin sa sahod, sumunod sa Mindanao na  42% at National Capital Region na 41%.

Ang iba pang isyu na nais ng mga respondents na maaksyon agad ng pamahalaan ay ang pagtaas ng halaga ng bilihin at serbisyo na nasa 41%, access sa abot kayang pagkain tulad ng bigas gulay at karne na 30%, pagpigil sa graft and corruption sa gobyerno - 29% at paglalaan ng free quality education- 28%.

Sa socioeconomic class, sa Class ABC res­pondents, ang pagkontrol sa pagtaas ng halaga ng bilihin at serbisyo ang top concern na nasa 45% habang 43% sa pagtataas sa sahod.

Sa Class D, ang pagtataas sa sahod ang top concern na nasa 46%, sumunod ang price control sa 40% habang sa Class E, ang pagkontrol sa presyo ng bilihin ang top concern ng 48%, 42% naman sa pagtataas ng sahod.

Sa Class E respon­dents na 37%, ang kanilang top concern ay ang abot kayang pagkain. -

ABC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with