Vlogger ng ginto hinoldap, P6 milyon natangay
Magdyowa na SK chair at barangay kagawad, arestado
MANILA, Philippines — Isang vlogger na seller din ng ginto at mga kasama ang hinoldap ng 10 armadong kalalakihan sa Pasay City nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa pulisya, aabot sa P6 milyong halaga ng alahas at pera ang nata?gay ng mga suspek mula sa mga biktima.
Batay sa ulat, alas-10:00 ng gabi nang harangin ang SUV ng 24-anyos vlogger na may tatlong kasama ng 10 kalalakihan kabilang ang isang SK chairman at kagawad.
Nakatakas ang driver ng SUV at katabing pasahero nito kaya naiwan ang vlogger at isa pa sa sasakyan.
Dito na kinomando ng mga suspek ang sasakyan ng mga biktima hanggang sa makarating sa Tejeron
St. Brgy. 792, Sta. Ana, Maynila at saka inabandona nang tangayin ng dalawa sa 10 suspek ang mga pera at alahas ng mga biktima at sumakay sa sinusundang van.
Nakatawag ng pansin ang nakahambalang na SUV ng vlogger kaya nagresponde ang mga pulis mula Manila Police District at Pasay City Police.
Ayon kay Pasay City Police chief PCol. Joselito De Sesto, sinusundan ng kanyang mga tauhan ang SUV ng mga biktima matapos na makahingi ng tulong ang dalawang nakatakas na kasamahan ng vlogger.
Natunton ang na-hijack na sasakyan sa tulong ng GPS na nasa bahagi ng Sta. Ana, Maynila.
Sa follow-up operation ng pulisya, natunton ang sasakyan ng mga suspek sa isang resort sa Brgy. Pansol sa Calamba, Laguna, subalit ang 22-anyos driver na lang ng itim na van ang nadatnan na nabawian ng ilang alahas at pera.
Nakita naman sa CCTV ng resort ang pagpapartehan ng pera ng mga suspek, habang may isa pang babaeng kasama.
Dahil sa footage, na?ilala ang anim sa sampung suspek na pawang kakilala din umano ng mga biktima, kabilang ang isang SK Chairman at isang kagawad ng barangay.
- Latest
















