Walang substandard projects sa Bohol - TIN
MANILA, Philippines — Walang substandard projects sa Bohol 3rd District matapos ang isinagawang on-site inspection at masusing pagsusuri sa mga proyekto ng pamahalaan.
Ito ang nilinaw ni Andres Tiangco, tagapagsalita at Executive Director ng independent anti-corruption advocacy group na Truth and Integrity Network (TIN) na lahat ng proyektong sinuri sa distrito ni Cong. Alexei Tutor ay tunay, maayos ang kalidad at kumpleto ang dokumentasyon. Mariin ding itinanggi ng TIN ang mga alegasyon ng collusion o bid-rigging laban kay Cong. Tutor at Cong.Edwin Gardiola. Ayon sa grupo,walang ebidensya na sumusuporta sa mga paratang. Ipinaliwanag pa na ang lahat ng proyekto ay dumaan sa tamang public bidding, ipinatupad ng mga pambansang ahensya, at nilinis o na-validate ng mga state auditors, alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.
Bilang bahagi ng inspeksyon, nagsagawa rin ang TIN ng random interviews sa mga residente ng Bohol 3rd District na karamihan ay kuntento at pumupuri sa trabaho ni Rep. Tutor, lalo na sa kanyang aktibong pagtutok sa mga proyektong kailangan ng komunidad at sa on-the-ground social services.
- Latest















