^

Police Metro

‘Lapis’ (Last Part )

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAPAMULAGAT sina Tatay at Inay sa aking sinabi na balahibuhin na parang gorilya ang umakbay sa akin.

“Tao sa palagay mo ang umakbay sa iyo?” tanong ni Itay.

“Hindi ko po masiguro Itay. Pero may naamoy ako na malansa.”

Napamulagat muli ang aking ama at ina.

Dahil wala namang nangyari sa akin, hindi na ini-report ni itay sa mga pulis ang pangyayari. Sa halip, sa barangay niya sinabi ang lahat.

Nagsagawa ng pagroronda ang mga tanod lalo na sa lugar na pinangyarihan ng insidente.

Wala namang tao na nakita roon.

Hanggang sa ipag-utos ng kapitan ng barangay na linisin ang lugar. Pinutol ang mga kawayan sapagkat masyado nang magubat. Pati ang puno ng balete at iba pang punongkahoy ay pinutol din.

Mula noon, wala nang insidente na katulad nang nangyari sa akin ang naganap. Nagkaroon na rin ng mga bahay sa lugar na iyon.

Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung sino ang umakbay sa akin. Gusto kong isipin na kapre iyon. Pero malaki ang pasalamat ko sa lapis. Kung hindi ko nasaksak ng lapis ang umakbay sa akin, baka kung ano ang nangyari sa akin. Kaya hanggang ngayon, utang ko sa lapis ang pagkakaligtas. Iyon ang dahilan kaya wala akong tigil sa pag-iipon ng kung anu-anong klase ng lapis.

LAPIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with