Mag-asawa, anak todas sa road mishap
MANILA, Philippines — Nasawi noon din sa lugar ng pinangyarihan ang isang mag-asawa at kanilang anak nang suwagin ng isang pick-up truck ang sinasakyan nilang tricycle sa kahabaan ng highway ng Brgy. Central East, Bauang, La Union, kamakalawa ng umaga.
Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Sergio Patajo, 55; tricycle driver; misis nitong si Daisy; at anak na si Alexander, 22.
Batay sa ulat ng Bauang Municipal Police Station (MPS), nag-signal umano si Segio sa driver ng pick-up truck na si Ruel Sanche, 41, na sila ay magu-UTurn pero dahilan mabilis ang takbo ng behikulo ay tuluy-tuloy itong sinalpok.
Inaresto ng mga operatiba ng pulisya si Sanche na nakainom ng alak nang mangyari ang insidente.
Kasalukuyan nang nakakulong sa detention cell ng Bauang MPS na haharap sa kasong reckless imprudence resulting to 3 counts of homicide at damage to property.
- Latest
















