^

Police Metro

Hepe, 2 pulis, babaeng sibilyan todas sa sarhento

Ludy Bermudo, Joy Cantos - Pang-masa
Hepe, 2 pulis, babaeng sibilyan todas sa sarhento
Ang mga nasawi ay kinilalang sina P/ Captain Jose Edrohil Cimafranca, hepe ng Sibulan Police; Senior Master Sgt. Tristan Chua; Patrolman Rey Albert Temblor; at sibilyan na si Sheila Mae Dinanao.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong miyembro ng Sibulan Municipal Police Station kabilang ang  hepe matapos na pagbabarilin ng kabarong sarhento na kanilang inaresto at ibinabiyahe patungong presinto nang mamaril at makapatay ang huli ng isang babae sa loob ng isang bar sa Sibulan, Negros Oriental, Biyernes ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina P/ Captain Jose Edrohil Cimafranca, hepe ng Sibulan Police; Senior Master Sgt. Tristan Chua; Patrolman Rey Albert Temblor; at sibilyan na si Sheila Mae Dinanao.

Ayon kay PCaptain Stephen Polinar, tagapagsalita ng Negros Oriental Police, matapos ang malagim na krimen, sumuko ang suspek na si P/Staff Sgt. Bonifacio Saycon na dinisarmahan at nakatakdang isailalim sa drug testing.

Sa inisyal na imbestigasyon, habang nasa isang bar sa Barangay Tubtobon ang suspek at mga biktima, ay unang binaril umano ni SSgt. Saycon si Dinanao sa loob ng bar.

Magkakasama umano ang nasabing apat na pulis sa bar nang maganap ang pamamaril ni SSgt. Saycon.

Agad umanong dinisarmahan ng tatlong pulis ang kabaro at inaresto. Gayunman, habang bumibiyahe patungo sa kanilang istasyon, sa loob ng sasakyan ay hindi inakala ng hepe at dalawang tauhan ang pagbunot ng isa pang baril ng suspek at pinagbabaril ang tatlo saka tumakas.

Bandang alas-10:45 ng gabi nang isuko ng kanyang pamilya ang suspek sa Tanjay City Police Station, kung saan siya ay nakapiit at nakatakdang isalang sa paraffin test.

SIBULAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with