^

Police Metro

Photojournalist, nasawi sa Traslacion coverage

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng media ang nasawi sa kasagsagan ng coverage sa Traslacion ng Poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand nitong madaling araw ng Biyernes.

Kinilala ang mamamahayag na si Itoh Son, 54-anyos, photojournalist ng tabloid at isa sa mga director at opisyal ng Manila Police District Press Corps.

Batay sa ulat, alas-3:00 ng madaling araw ay nagtungo umano si Son sa Manila Police District Station 5 para mag-cover ng mga kaganapan sa Quirino Grandstand nang bigla na lamang itong bumagsak, nangisay, at bumula ang bibig.

Mabilis na itinakbo sa Gat Andres Bonifacio Medical Center, subalit idineklarang dead-on-arrival dahil sa atake sa puso.

Samantala, sa kabuuang tala ng Philippine Red Cross na naka-station sa Kartilya malapit sa Manila City Hall ay nasa libong deboto ang natulungan ng iba’t ibang medical team na karamihan ay nagtamo ng mga sugat o hiwa sa paa at kamay.

Ang ilan naman ay nakaranas ng hirap sa paghinga, nawalan ng malay, at nahilo dahil sa siksikan ng mga deboto sa Traslacion.

JESUS NAZARENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with