Ex-PNP Chief Razon atbp absuwelto sa ‘ghost procurement’ - Sandiganbayan
MANILA, Philippines — Limang dating matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang hinatulang guilty ng Sandiganbayan kaugnay ng maanomalyang ghost procurments ng mga spare parts sa pagkukumpuni ng mga police armored vehicle units noong 2007.
Inabsuwelto naman sa kaso sina dating PNP Chief ret. Gen. Avelino Razon kasama sina dating Lt. Col. Rainier Espina, dating PNP Accounting Division Chief Antonio Retrato at ilan pang mga pribadong suppliers matapos na mabigo ang prosekusyon na mapatunayang guilty ang mga ito sa kaso.
Sa ipinalabas na desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division, ang mga opisyal ng PNP Logistics Support Service-Bids and Awards Committee (LSS-BAC) ay may pananagutan sa kasong graft kaugnay ng maanomalyang bidding sa supply contract at ghost deliveries and services.
Kabilang sa nahatulan ng guilty ay sina LSS BAC Chair Col. Emmanuel Ojeda; Vice Chairman Col. Reuel Leverne Labrado; LSS purchasing officer Lt. Col. Josefina Dumanew; LSS BAC Members Maj. Analee Forro, MSgt. Victor Puddao, and Lt. Col. Henry Duque; LSS inspection officer Lt. Col. Warlito Tubon at maging ang mga non-uniformed personnel (NUPs) Supply Accountable Officer Eulito Fuentes at Property Inspector for the Directorate for Comptrollership Alex Barrameda.
Ang mga ito ay nilitis sa kaso kaugnay ng apat na transactions na nagkakahalaga ng P400 milyon.
- Latest



















