^

Police Metro

Mga Pinoy sa Venezuela pinag-iingat

Malou Escudero - Pang-masa

Kasunod nang pag-aresto kay President Maduro at pamilya

MANILA, Philippines — “Manatiling maingat at alerto kasunod nang operasyon ng United States na nagresulta sa pagkakahuli kina Venezuelan President Nicolas Maduro at ng kanyang asawa”.

Ito ang naging payo ng Philippine Embassy sa Colombia sa mga Pinoy na naroon na may hurisdiksyon sa Venezuela na dapat ay mahalagang subaybayan ang mga balita, manatili sa ligtas na lugar, at tiyaking may listahan ng emergency contacts. Ayon sa ulat may 74  Pilipino sa Venezuela.

Maaaring makipag-ugnayan sa embahada ang mga Pilipinong ­nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng email na [email protected], o sa mga numerong +57 310 753 7926 at +57 310 396 6319.

Maaari ring bumisita sa opisyal na Facebook page ng embahada sa facebook.com/phincolombia.

Noong Sabado, sinabi ni President Donald Trump ng US na nahuli ng US ang autocratic president ng Venezuela na si Nicolas Maduro.

Gayunpaman, itinanggi ng pinuno ng Venezuela ang mga paratang at sinabing determinado ang Washington na kontrolin ang mga reserbang ­langis ng kanyang bansa, ang pinakamalaki sa mundo.

Dinala si Maduro sa US upang harapin ang iba’t ibang mga kaso, kabilang ang narco-terrorism ­conspiracy.

Inihayag ni Trump ng US na sasakupin ng Estados Unidos ang Venezuela kasunod ng inilarawan niya bilang isang “matagum­pay” na operasyong military.

PHILIPPINE EMBASSY

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with