Pinay arestado sa US crackdown

MANILA, Philippines — Isang Pinay ang kabilang sa naaresto ng mga operatiba ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) sa ginawang operasyon nitong pagsalubong sa Bagong Taon at mismong araw ng Bagong Taon.
Kinilala ng US Department of Homeland Security Office of Public Affairs ang Filipina na si Karen Empaynado.
Base sa record, si Empaynado ay nasentensyahan na rin dahil sa mga kasong pagnanakaw, grand theft, at battery sa Deltona, Florida.
Maliban sa Filipina, naaresto rin sa operasyon ng US Homeland Security ngayon unang araw ng 2026 bilang mga illegal aliens ay mula sa Mexico, Honduras, Jamaica, the Dominican Republic, at Cuba.
Ang mga naaresto ay isasailalim sa removal proceedings.
Lumalabas din sa datos ng Department of Homeland Security, na mahigit sa kalahating milyon ang illegal aliens ang naaresto mula Enero 20 hanggang Disyembre 10, 2025, kung saan kabilang dito ang mga undocumented Filipinos.
- Latest















