^

Police Metro

Ex-Nueva Ecija mayor tiklo sa drug bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa
Ex-Nueva Ecija mayor tiklo sa drug bust
Kinilala ang arestadong suspek na si alyas “Marvin”, 53-anyos na dating alkalde ng bayan ng Sto. Domingo mula 2007-2010 at nakatira sa Barangay Umangan, Aliaga, Nueva Ecija.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang dating alkalde sa isang bayan sa Nueva Ecija, sa isang drug buy-bust shabu operation sa Barangay Calipahan, Talavera, Nueva Ecija noong bisperas ng Bagong Taon.

Kinilala ang arestadong suspek na si alyas “Marvin”, 53-anyos na dating alkalde ng bayan ng Sto. Domingo mula 2007-2010 at nakatira sa Barangay Umangan, Aliaga, Nueva Ecija.

Nabatid na ikinasa ang operasyon, dakong ala-1:10 ng madaling araw ng Miyerkules at inaresto ang dating alkalde matapos magbenta ito ng P1,000 halaga ng shabu sa isang undercover na pulis.

Nakumpiska mula sa suspek ang limang pakete ng shabu na may kabuuang timbang na 70 gramo na may katumbas na halagang P476,000, pati na ang marked money na ginamit sa operasyon.

DRUG BUST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with