^

Police Metro

Firecracker related injuries, pumalo sa 235 – DOH

Mer Layson - Pang-masa
Firecracker related injuries, pumalo sa 235 – DOH
Inaasikaso ng staff ng East Avenue Medical Center-Emergency Department and Trauma Center sa Quezon City ang mga nasugatang pasyente na biktima ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Health (DOH) mula December 21, 2025 hanggang January 1, 2026 ay nasa 235 ang naitalang kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok kaugnay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Batay sa inilabas na datos ng ahensya, 62 kaso ng mga nasugatan dahil sa paputok ang naitala sa bisperas ng bagong taon, December 31.

Ayon kay DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo,inaasahan pa ng ahensya na madarag­dagan ang kabuuang bilang ng mga biktima ng paputok sa unang linggo ng taon, mula January 1 hanggang 5.

Hinimok din ng opis­yal ang publiko na lahat ng mga naputukan ng paputok, kahit gaano kaliit ang sugat, ay huwag isawalang-bahala at agad dalhin sa pinakamalapit na ospital upang maiwasan ang tetanus.

Nabatid na mas mababa ng 42% ang mga naitalang kaso ngayong taon kumpara noong nakaraang taon na umabot sa 403.

Lumabas din sa datos ng ahensya na karamihan sa mga biktima ay nasa edad na 19 taong gulang pababa.

FIRECRACKER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with