^

Police Metro

Bulkang Mayon itinaas sa Alert Level 2

Jorge Hallare, Angie dela Cruz - Pang-masa
Bulkang Mayon itinaas sa Alert Level 2
Nakapagtala umano ng kabuuang 599 rockfall event sa bulkan sa huling dalawang buwan ng 2025 o 10 kada araw, ngunit tumaas ito ng average na 21 rockfall kada araw sa huling linggo.
The STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Itinaas na ng Philippine Volcanology and Seismo­logy sa Alert Level 2 o moderate level of unrest ang estado ng Mt. Mayon sa Albay, alas-6:00 ng umaga kahapon.

Bunsod ito nang tumitinding aktibidad ng bulkan, partikular ang pagdami ng bilang ng rockfall na indikasyon ng paggalaw ng magma.

Nakapagtala umano ng kabuuang 599 rockfall event sa bulkan sa huling dalawang buwan ng 2025 o 10 kada araw, ngunit tumaas ito ng average na 21 rockfall kada araw sa huling linggo.

Natukoy rin ang pamamaga ng katawan ng bulkan mula pa noong 2024, na nagpapahiwatig ng posibleng pagsabog.

Sa Alert Level 2, pinapayuhan ang publiko na iwasan ang anim na kilometrong permanent danger zone at inatasan ang mga lokal na pamahalaan at awtoridad sa aviation na maghanda laban sa posibleng panganib.

MT. MAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with