^

Police Metro

‘Cabral files’, sapilitang kinuha ni Leviste

Joy Cantos, Mer Layson - Pang-masa
‘Cabral files’, sapilitang kinuha ni Leviste
The so-called Cabral files are turned over to the Office of the Ombudsman by DPWH officials.
STAR / File

MANILA, Philippines — Posibleng maharap sa isang pormal na ethics complaint si Batangas Rep. Leandro Legarda Leviste kung mapapatunayan ang mga alegasyon ng ilegal nitong pagkuha sa mga tinaguriang “Cabral files.”

Ito ang naging pahayag ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon nitong Martes bilang reaksiyon sa isang television news report na nagbunyag kung paanong sapilitan umanong kinuha ni Leviste ang “Cabral files”.

Ang mga dokumento ay pagmamay-ari ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at nasa ilalim ng pangangalaga ng yumaong si Undersecretary Catalina Cabral. Ayon sa mga nakalap na impormasyon,hindi umano dumaan sa tamang proseso ang paglabas ng mga sensitibong file mula sa ahensya.

Batay sa isang ulat sa telebisyon, kinapanayam ang mga naging staff ni Usec. Cabral na nagpatunay na sapilitan umanong kinuha ni Leviste ang mga dokumento.

Binigyang-diin ni Ridon na kung mapatutunayan ang mga paratang, sapat itong basehan upang imbestigahan ang mambabatas dahil sa paglabag sa etika at panuntunan ng Kamara.

Patuloy pang sinusuri ng mga otoridad ang bigat ng mga testimonya habang hinihintay ang magiging opisyal na tugon ni Leviste tungkol sa isyu.

LEANDRO LEGARDA LEVISTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with