AFP hindi magbubusal ng baril
MANILA, Philippines — Hindi umano magpapatupad ng pagpa-plaster o pagbubusal sa dulo ng mga baril ang mga tauhan at opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ito’y alinsunod sa direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na tinagubilinan ang mga sundalo na pairalin ang disiplina at iwasan ang indiscriminate firing.
Inalerto rin ng AFP ang lahat ng units nito sa buong bansa sa panahon ng bakasyon kaugnay ng selebrasyon sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Samantalang, tiniyak naman ng AFP na ipagpapatuloy nito ang pangangalaga sa taumbayan at sisiguraduhin din ang mapayapa, maayos at ligtas sa panganib ang selebrasyon ng Bagong Taon.
Ang pagbubusal ng dulo ng mga baril ay isang tradisyunal na ipinatutupad ng PNP upang maiwasan ang illegal discharge of firearms upang hindi makadisgrasya ng mga inosenteng sibilyan.
- Latest




















