Dashcam, gawing requirement sa motorista
MANILA, Philippines — “Gawin ng requirement sa mga motorista ang paglalagay ng dash-mounted cameras sa kanilang mga behikulo”.
Ito ang apela kahapon ng Automobile Association of the Philippines (AAP) sa pamahalaan upang maging mas madali umano ang pagrepaso ng mga otoridad sa footage sakaling magkaroon ng insidente ng road rage.
Ayon kay AAP president Augustus Ferreria, sa ibang bansa ay mandatory na ang dashcam kaya kapag may sigalot sa kalsada ay nirerepaso na lamang ito sa dashcam.
Kumpiyansa si Ferreira, na makakatulong ang dashcam upang mapigilan ang mga driver sa paglabag sa batas trapiko.
Matatandaang kamakailan, nag-viral ang ilang road rage incidents sa ilang lugar.
Kabilang dito ang naganap sa Obando, Bulacan, at Marikina City Riverbanks na iniimbestigahan na ng Land Transportation Office (LTO).
- Latest






















