^

Police Metro

8 pulis-epd arestado sa robbery!

Ludy Bermudo - Pang-masa
8 pulis-epd arestado sa robbery!
Sa ulat, ang mga suspek ay may ranggong “Captain” ang inarestong opisyal, isang Police Master Sergeant, dalawang Staff Sgt., tatlong Corporal, at isang Patrolman, habang ang isang sibilyan ay kinilala sa alyas “Juanito”, residente ng Pasig City.
STAR / Edd Gumban

Lady trader,  2 online seller pinasok

MANILA, Philippines —  Walong miyembro ng Eastern Police District-District Drug Enforcement Unit (EPD-DDEU) ang inaresto ng mga tauhan ng Pasig City Police Station kaugnay sa reklamong robbery ng isang babaeng negosyante at dalawang online seller sa Pasig City nitong Biyernes, Disyembre 26.

Sa ulat, ang mga suspek ay may ranggong “Captain” ang inarestong opisyal, isang Police Master Sergeant, dalawang Staff Sgt., tatlong Corporal, at isang Patrolman, habang ang isang sibilyan ay kinilala sa alyas “Juanito”, residente ng Pasig City.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-2:05 ng hapon noong Dis. 26 sa No. 460-B Along N. Cruz St., Brgy. Palatiw, Pasig City.

Sa reklamo nina alyas “Jaimylyn”, 25, online seller; “Bryan”, 25; online
seller; at negosyanteng si “Rowena”, negosyante, pawang residente ng Brgy. Palatiw, Pasig, pinasok umano ng mga suspek ang bahay ng negosyante sa isinagawang anti-illegal drug operation at tinangay diumano ang iba’t ibang alahas na nagkakahalaga ng P500,000 at dalawang susi ng dalawang motorsiklo.

Agad namang inaresto ang mga operatiba sa Pasig CPS at nabigo silang magprisinta ng kaukulang dokumento para sa isang lehitimong anti-drug operation.

Nagsagawa rin ng technical investigation ang SOCO sa pinangyarihan ng insidente at

Inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa mga pulis.

EPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with