LRT-2, MRT-3 may libreng sakay sa December 30

MANILA, Philippines — May libreng sakay na ipagkakaloob ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa pagdiriwang ng Rizal Day sa Disyembre 30.
Ang libreng sakay sa LRT 2 at MRT 3 ay bukas mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi sa lahat ng pasaherong sasakay ng tren sa naturang araw.
Naideklarang regular holiday ng Malacañang ang Rizal Day sa December 30, ang paggunita ng bansa sa araw ng kamatayan ng pambansang bayaning si Jose Rizal na namatay noong December 30, 1896 sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan (Rizal Park) dahil sa kasong rebelyon noong panahon ng Kastila.
Tumingkad ang kamatayan ni Rizal hanggang sa araw ng Kalayaan at rebolusyon sa Pilipinas.
- Latest





















