28 firecracker-related injuries naitala ng DOH
MANILA, Philippines — Nakapagtala na Department of Health (DOH) ng kabuuang 28 bilang ng firework-related injuries (FWRI) sa buong bansa sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon.
Sa abiso nitong Pasko, nabatid na mula Disyembre 21 hanggang 4:00AM ng Disyembre 25 ay may naitala silang walong bagong kaso ng FWRI.
Ayon sa DOH, ang naturang bilang ay 50% na mas mababa kumpara sa 58 kaso na naitala sa kahalintulad na petsa noong 2024.
Batay sa datos, natukoy na 68% ng mga biktima ngayong taon ay nagkaka-edad lamang ng 19-taong gulang pababa.
Karamihan naman sa mga biktima ay nagtamo ng sugat dahil sa boga, 5-star, at trayanggulo.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na umiwas na sa paggamit ng paputok at sakali umanong nasugatan sa pagpapaputok ay kaagad na isugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan.
- Latest















