^

Police Metro

Bondi Beach shooters nagbakasyon sa Pinas

Ludy Bermudo, Doris Franche - Pang-masa
Bondi Beach shooters nagbakasyon sa Pinas
This screen grab of UGC video taken on December 14, 2025 and received courtesy of Mike Ortiz shows beach-goers fleeing Bondi Beach after gunmen opened fire, in Sydney on December 14, 2025.
Mike Ortiz / UGC / AFP

Bago ang pamamaril - PNP

MANILA, Philippines — Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Phi­lippine National Police (PNP) tungkol sa ulat na ang mga namaril na suspek sa Bondi Beach sa Sydney, Australia ay nagbakasyon pa sa Pilipinas bago ang insidente.

Ito rin ang iniha­yag kahapon ni Bureau of Immigration Spoke­person Dana Sandoval na ang mga suspek ay kinilalang sina Sajid Akram, 50, Indian national at anak na si Naveed Akram, 24, Australian national na kapwa residente ng Australia ay dumating sa Pilipinas noong Nob­yembre 1 mula sa Sydney.

Sa Davao umano ang huling destinasyon ng mag-ama bago umalis sa bansa noong Nobyembre 28 sakay ng isang connecting flight mula Davao patungong Maynila, kung saan ang Sydney ang kanilang huling destinasyon.

Ang mag-ama na sinasabing mga suspek sa pamamaril noong Disyembre 14 sa Jewish holiday celebration na ikinasawi ng 15 at isa sa gunmen ang napatay.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, isinasagawa ang beripikasyon ng PNP Directorate for Intelligence at  BI.

Pinayuhan ni acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang publiko na huwag mangamba dahil sa wala pang nakikitang mala­king banta sa seguridad sa bansa. - Borja, Joy Cantos-

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with