^

Police Metro

Salceda, walang kinalaman sa 2024 national budget insertions

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matinding pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayroon siyang kinalaman sa “insertion special provision” ng 2024 National Budget na naging basehan ng masalimuot na pagkuha ng bilyon-bilyong piso mula sa mga ‘Government Owned and Controlled Corporations’ (GOCC) o mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno gaya ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Ang paratang ay nabanggit ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa kanyang panayam kay Christian Esguerra sa programang ‘Facts First Tonight’ nito na inilabas sa YouTube, at tumukoy sa isang ‘bill’ kaugnay sa 2024 budget.

Sa isang liham kay Esguerra, sinabi ni Salceda na “incorrect” o mali ang paratang. Sumulat din siya sa isang ulat ng Institute of Risk and Strategic Studies, Inc., na siya ang ‘chairman,’ kung saan idinetalye niya ang isyu.

“Una, hindi ako kailanman naging miyembro ng ‘Appropriations Committee, Bicam, at ‘small committee’ sa ‘19th Congress’ kaya imposibleng may kinalaman ako sa naturang ‘insertion’ o pagsingit,” madiin niyang pahayag.

“Pangalawa, wala ring basehan ang sinasabing mula sa aking ‘bill’ ang naturang ‘2024 budget insertion provision’ dahil naipasa ng Kamara ang aking bill na layuning amyendahan ang 2023 budget at hayaang gamitin ang pondo ng GOCC kung walang sadyang paglalaanan at magiging kapaki-pakinabang ito. Sa ilalim ng naturang panuntunan, hindi maaaring magpakawala ng pondo ang PhilHealth kung mayron itong mga obligasyong legal,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ni Salceda na sadyang iba ang probisyon ng 2024 budget na nag-atas sa mga GOCC na bawasan ang reserbang pundo nila sa ‘historical levels’ at batay sa hangganang petsa ng pagsumite nito upang mabisa ang pangangasiwa sa pundo. “Ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon ng mga ‘constitutional issues’ lalo na sa mga GOCC na mahigpit ang ‘charter’ sa pagprotekta sa reserbang pondo nila.”

Ayon kay Saldeda, inihain niya ang House Bill 9513 na may layuning pondohan ang bayad para sa mga 2023 (hindi 2024) utang kaugnay sa COVID 19 ‘pandemic’ na naipasa ng Kamara ngunit hindi naging batas.

“Kaya ang anumang koneksiyon o kaugnayan ko sa naturang usapin ay hanggan doon lang. Hindi na ako naghain ng ‘bill’ para sa 2024 badyet,” madiin niyang dagdag.

Ayon kay Salceda, tila nagmula ang paratang sa naunang ‘Bayanihan bill’ niya na may layuning bawasan ang pondo ng mga GOCC na may malalaking sobrang pera.

“Sa naturang ‘bill,’ ipinauubaya na rin sa mga ‘executive agencies’ ang pagbibigay kahulugan sa ‘excess funds’ o sobrang pondo bilang ‘flexibility.’ Muli ang panukalang batas kong iyon ay HINDI NAGING BATAS” at hindi nag-amyenda sa ‘charters’ ng mga GOCC gaya ng PhilHealth, kaya walang batas na magpu-pwersa sa mga ito na maglipat ng kanilang pondo,” paliwanag ni Salceda. (Joy Cantos)

SALCEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with