^

Police Metro

Pitbull pinagpapalo ng sadistang konsehal, utas!

Joy Cantos, Artemio Dumlao - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ng mga residente at grupo ng animal welfare advocates sa mga awtoridad ang ginawang brutal na pagpatay ng isang konsehal ng bayan sa isang aso na nakunan ng CCTV sa kasagsagan ng community event sa Sadanga, Mountain Province noong Disyembre 4.

Ang insidente ay nag-viral sa social media matapos ang kalunos-lunos na sinapit ng isang American Pitbull na may pangalang “Axle” na pinaghahataw ng matigas na kahoy hanggang sa mapatay ng sadistang konsehal sa isang pagtitipon sa bayan ng Sadanga, Mountain Province.

Sa viral video, makikitang tahimik lamang ang mabait na asong si Axle habang nakatayo lamang ito sa tabi ng mga bata sa nasabing lugar. Ilang saglit pa ay dumating ang konsehal ng bayan na may dalang matigas na kahoy na pinagpapalo kaagad ang nasabing aso bagaman at wala naman itong inaatake at tahimik lamang sa isang tabi.

Sa nasabing video, makikitang nanaghoy o umiiyak na ang nasaktang aso na duguang nakalugmok habang pilit namang inaawat ng may-ari nito ang nasabing sadistang konsehal para tigilan ang pananakit sa kaniyang pet. Gayunman, sunud-sunod na hataw ng matigas na kahoy ang ginawa ng hindi pinangalanang malupit na konsehal hanggang sa mapatay nito ang aso.

PROVINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with