^

Police Metro

5 pulis sa P14 milyong robbery sa Pampanga, sinibak

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinibak na sa kanilang puwesto ang limang pulis sa Pampanga na sangkot sa umano’y pagnanakaw ng P14 milyon mula sa bahay ng isang private contractor sa Porac, Pampanga.

Kabilang sa mga suspek ay isang police major na station commander sa Angeles City, dalawang staff sergeant, at dalawang police corporal.

Ayon kay Police Regional Office-Central Luzon (PRO-3) director PBrig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., standard procedure ang pag-relieve sa puwesto habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Batay sa imbestigas­yon, nangyari ang insidente sa Brgy. Santa Cruz noong Nobyembre 25 ng gabi.

Apat sa limang pulis na may takip sa mukha ang pumasok sa tahanan at kinandado ang biktima, pamilya, mga bisita nito sa comfort room bago kunin ang pera.

Bagama’t hindi nakita sa security footage ang police major ay pinaghihina­laang siya ang mastermind ng pagnanakaw.

Napag-alaman ding tatlo sa mga suspek ang may derogatory records, kabilang ang sangkot sa shooting at robbery-extortion.

Tiniyak naman ni Peñones na haharap sa mga kasong kriminal at administratibo ang sinumang pulis na mapapatunayang nang-aabuso sa kanilang kapangyarihan.

ROBBERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with