6 pulis kinupit ang P13.4 milyon mula sa POGO raid

MANILA, Philippines — Anim na tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kinasuhan ng kriminal at administratibo matapos na umanong nakawin ang malaking halagang pera na ebidensya sa ginawang pagsalakay sa POGO hub sa Bataan noong Oktubre 2024.
Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na natukoy nila ang mga pulis na sina Pat. Kristian Nardz Andaya; PEMS Erick Castro; PSMS Michael Camillo; Pat. Kenji Francisco; Pat. Jesus Fulgencio; at Pat. Raymark Solas matapos ang isinagawang imbestigasyon.
Ani, Remulla, umaabot sa P141.1 milyon na cash ang nakumpiska sa POGO, subalit nadiskubreng nawawala ang P13.4 milyon nang pinasosoli ng korte matapos na ideklarang iligal ang nasabing operasyon.
Nobyembre 19 nang ilabas ng Omnibus Order ang korte na iligal ang paghahalughog sa POGO hub sa One Bataan Compound sa Bagac, Bataan at atasan ang CIDG na ibalik P141 milyon cash sa kompanya.
Sa ilalim ng criminal case sasampahan ng kasong Qualified Theft; Malversation of Public Funds; or Opening of Closed Documents; Falsification of Public Documents; at Illegal Possession o Use of False Treasury Notes or Bank Notes ang anim na pulis habang grave misconduct, serious dishonesty, conduct prejudicial to best interest of public service, negligence, paglabag sa PNP evidence handling protocol sa administratibo.
- Latest















